La Maison Noire
Maverick has arrived at the hotel where he was going to meet the person from Sanctuario de Atlas. A wondrous palatial hotel lies at the heart of Paris where its clienteles are mostly from the elite society. A society of businessmen, investors, traders, and even groups from underground society.
"Monsieur est-il Moulin, dans?" agad na tanong ni Maverick kung saan niya makikita ang taong naghihintay sa kanya nang marating ang reception counter ng hotel.
"Oui monsieur! Il vous attend au salon privé numéro deux," tugon ng nag-iisang receptionist ng hotel. Kilala na ito ni Maverick dahil hindi lang isang beses siya nagawi sa magarang hotel. Ayon dito nasa pangalawang private lounge naghihintay ang taong gustong makipagkita sa kanya.
"Je vous remercie," tugon niyang pasasalamat. Agad siyang tumalikod at tiningnan ang kanyang tatlong tauhan kabilang si Brando para sumunod sa kanya.
"De cette façon, Monsieur," wika ng lalaking Pranses na inilahad ang kamay para bigyang gabay sila sa pagpasok sa main lounge ng hotel.
Maverick and his men followed the guy in a tuxedo. He roamed his stares around and noticed the other guests were staring at them. Some faces are familiar to him but he ignored them and continues walking following the guy in front of them. He sneered while walking, thinking of those people whom he knows and what's their agenda in the hotel.
"Monsieur Moulin is inside, Sir!" wika ng lalaking gabay nila nang huminto ito sa pintuan ng private lounge. Bumalik sa normal ang aura ni Maverick at inalis sa isipan ang mga bagay na kanina'y iniisip.
"Merci!" matipid na wika nito sa lalaki na bahagya lamang itong sinulyapan.
Umalis din kaagad ang lalaki at bumalik sa kanyang pwesto.
Bumukas ang pintuang nasa harapan nina Maverick at sumalubong sa kanila ang dalawa pang lalaking nakasuot ng kaparehong damit na suot ng lalaking naghatid sa kanila. Humakbang siya sa loob at napatigil nang sumenyas ang isa pang lalaking nasa loob at kinapkapan sila kung may mga dala-dala silang armas.
"Clear!" wika nito pagkatapos silang inspeksyunin.
Sadyang hindi sila nagdala ng armas dahil iyon ang kasama sa mensahe na ipinadala sa kanila. Wala namang dahilan para magkaroon ng kaguluhan at isang kaibigan ang turing sa kanya ng matandang Moulin. Isa pa ayon na rin sa matanda, bawal sa pamunuan niya ang dumanak ng dugo sa loob mismo ng hotel. Isang malaking paglabag sa batas ng grupo nito ang pumatay o mapatakan man lamang ng dugo ang alin mang sulok ng hotel.
"Morelli!"
Maverick turned in the direction where a familiar voice came from. There he is! He saw him sitting prominently like a king on the magenta french bergère chair. Standing a few steps from him were his assistant and other men wearing black tuxedos, the same outfit as the men who met them at the entrance.
"Monsieur Dieudonne!" masiglang wika ni Maverick na ngumiti nang bahagya. Agad siyang humakbang palapit sa kinaroroonan nito.
"Merci et vous avez accueilli mon invitation," magiliw na wika ng matanda na nagpapasalamat sa pagpaunlak niya sa kanyang imbitasyon.
Nanatili itong nakaupo pero maaliwalas ang mukha nitong tiningnan si Maverick.
"Je vous en prie Monsieur!" tugon ni Maverick na umupo sa katapat na upuan ng matanda nang inilahad nito iyon sa kanya.. "Merci!"
"I heard that you are here in France so I asked my assistant to clear my schedule for today just for you," wika ng matandang Moulin and raising his wine glass with red wine in it, offering a toast to Maverick.
"Business, Sir!" maikling tugon ni Maverick. He took the wine prepared for him and raised for a toast with Monsieur Dieudonne.
Kahit pa naging magkaibigan sila ng matanda, hindi siya nagkukuwento tungkol sa kanyang mga lakad at kalakaran ng kanyang grupo. Wala rin namang lingid dito ayon sa pagkakaalam niya.
Paris was an enclave of Dieudonne's emissaries. Kontrolado nito ang galaw sa buong syudad pero hindi rin maiiwasang may tumataliwas sa kanyang pamamaraan ng pamamalakad sa grupo.
"So, how's life going on for the very young boss?" nakataas ang kilay na tanong ng matanda sabay hitit sa tabakong hawak.
"Let's get to the agenda, Monsieur Dieudonne. What made you set a meeting with me?" Maverick explicitly asked. His eyes fixated on the man in front of him, trying to reckon the old man's intention towards him.
The old man scoffed but sniggled after he fell into silence momentarily.
"Is it wrong to see a friend for some time?" Dieudonne said. He straightened his back afterward and leaned against the couch. "You are exactly like my grandson, manipulative, but I like it."
Maverick took his wine glass and drank the wine left in it. He sneered. He doesn't understand what the old man was going up to.
"I've heard about what you did a few days ago. Uttenberg is one of our incommunicado for his infraction of our rules. Just like he did to you. That man deserves what you did to him and I owe you that," the old man said.
"There's no such thing to me. Once you violate my rules, death will be the coercive measure I could only do."
Hindi na inusisa pa ni Maverick kung paanong nalaman ng matanda ang kanyang ginawa nang nakaraang mga araw. Sa mundo na kanyang ginagalawan, walang maitatago sa matanda. Alam niyang hindi man ito diretsahang nagsabi sa kanya kung anong klaseng grupo ang mayroon ito, unang kita pa lamang niya rito ay nabasa na niya kung anong pagkatao nito pero may kanya-kanya silang grupo at batas kaya wala siyang pakialam dito maliban na lamang kung makikialam ito sa kanyang mga aktibidad. Nakahanda siyang makipaglaban sa sinumang nakikialam sa kanyang grupo.
"I admire you more, Morelli. Sa bata mong edad, marami ka nang nagawa para sa grupo kaya hindi nakapagtatakang matunog ang pangalan mo sa mundong ginagalawan natin. At. . ." saglit na napatigil ang matanda at uminom ng alak. Nanatili itong nakatitig kay Maverick na naghihintay ng mga nais pa niyang sabihin. Tahimik pero nakikiramdam sa paligid. Tumikwas ng bahagya ang mga labi nito at napatawa nang marahan sa sinabi ng kaharap na ikinataas naman ng kilay nito. Nilapag nito ang hawak na kopita at nakangiting muling sinalubong ang mga tingin ni Maverick.
"What are you trying to imply, Monsieur Dieudonne?" tanong ni Maverick. Sinusubukang pagsalitain ang kaharap kung ano talaga ang plano nito sa kanilang pagkikita.
"Nothing, Morelli! I'm just stating the facts!"
Maverick scoffs. His upper lip curled up to form a smirk. He then straightened his back and meet Dieudonne's stares.
"I think I have to go, Monsieur Dieudonne. Kung wala ka nang sasabihin aalis na ako," wika ni Maverick. Bahagya niya pang sinilip ang kanyang relo para tingnan ang oras. Plano niyang bumalik ng Italy anumang oras pagkatapos nilang mag-usap ng matanda.
Tumango-tango naman ang matanda pero walang namutawi sa mga bibig nito kaya tumayo na si Maverick at humakbang patungo sa pintuan. Sumunod din kaagad si Brando sa kanya na kanina'y nanatili lang sa pagmamatyag sa pakikipag-usap niya sa matanda.
"Kung paghihiganti ang binabalak mo, kakailanganin mo ako Morelli!"
Biglang napatigil sa paghakbang sina Maverick nang marinig ang boses ng matanda. Tila umalingawngaw ito sa kanyang pandinig. Mabilis siyang pumihit paharap dito.
"Anong nalalaman mo?"
"Marami!" kalmadong tugon ng matanda na hindi nakatingin sa kanya. Nagtatagay ito ng alak sa kanyang kopita.
"Like what?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Maverick. Hinuha niya'y may alam ang matanda sa lahat ng galaw niya. "Who are you?"
"In time, Morelli! Not now!"