Kabanata 38 "Mahal ko din siya..." At saka ako napabuntong hininga. "kaso lang..." "Kaso lang ano?" "Ciffer naman! Para namang hindi ka nanunuod ng mga movies at teleserye! Amo namin ni Mama ang parents ni Trigger. Ang laki-laki ng utang na loob ko sa kanila kundi dahil sa kanina hindi ako makakapagpatuloy sa pag-aral at hindi kita makikilala. Ayaw ko namang isipin na..." "Na nilandi mo anak nila kung sakaling maging kayo?" Pagpapatuloy ni Ciffer sa gusto kung sabihin. Muli na naman akong napabuntong hininga at saka dahan-dahang tumango. Inakbayan naman niya ako at saka din siya napabuntong hininga. "Yan ba talaga gusto mong mangyari? Tigilan ka na ni Trigger? Sabi mo mahal mo siya pero paano kapag nakita mo siyang my kasamang ibang mamaya? Kaya mo? Hindi ka ba masasaktan?" Sunod-suno