Kabanata 39 Tatakbo na sana ako papasok ng mansion ng bigla nalang akong mabungo sa isang matigas na... bagay? Nakatakip kasi yong mga kamay ko sa mukha ko kaya hindi ko mashadong makita yong dinaraanan ko, nanglalabo din yong paningin ko dahil sa mga luha ko. At dahil hindi ko naman inaasahana na bubunggo ako sa kung saan, nawala ako ng balance. Kapag nga naman minamalas ka tuloy-tuloy talaga! Pumikit nalang ako ng mariin at inantay na mahalikan ng mukha ko yong klsada pero napapitlag naman ako ng mga maramdaman akong matigas na kamay na agad na yumakap sa bewang ko, napasubsob ako sa kung anong matigas pero sobrang bango pa din kahit na my naamoy akong alak at yosi. Agad ko nalang inalis yong mga kamay kung nakatakip sa mukha ko at saka ko iniangat yong mukha ko, agad ko namang nakasa