Kabanata 40 Mabilis na lumipas ang mga araw na para bang kisap mata lang 'to, na isang araw na-realized ko nalang na official na pala talaga kaming magboyfriend at girlfriend ni Trigger ang kaso nga lang kaming dalawa lang ang my alam. Wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Ciffer kahit na BFF pa kami para kasing hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na mag-on na kami. Para kasing yong mga ganitong eksena pang-teleserye lang nangyayari tapos eto ako ngayon... kami ni Trigger. Hay alam kung mashado ng cliche 'tong lingya na 'to pero kung panaginip lang talaga lahat ng 'to ayuko ng magising. "What are you thinking?" Napabaling naman ako ng tingin kay Trigger. Magkatabi kami ngayon habang magkaholding hands na naka-upo sa isang bench sa itaas ng bundok kung san tanaw na tanaw y