Kabanata 41 "Uh. Sorry." At saka niya nakagat yong pang-ibabang labi niya. Pareho na kasi kaming napatingin ni Trigger sakanya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman siguro 'to dahil sa hormones ko dahil sa pagbubuntis ko pero hindi ko talaga maiwasang hindi makaramdam ng inis... hindi sa tingin ko galit. Alam ko hindi lang naman si Ciffer ang my kasalanan. Ako din. Kasi pumayag ako sa gusto niyang mangyari, yong dare pero pakiramdam ko napaglaruan ako pero kundi naman dahil don hindi naman kami magkakalapit ni Trigger ulit eh. Urgh! Hindi ko alam! Naguguluhan ako. Naguguluhan na ako sa sarili ko at sa mga nangyayari. "Kanina pa kasi nag-aantay sa loob sila Mommy." Mommy? Nandito din ba ang mga magulang niya? Agad naman akong napatingin kay Trigger pero eto na naman siya at wala na nama