Mabilis itong tumakbo palabas ng maid's quarter. Sinundan niya ito ngunit agad itong nakalabas ng mansiyon. "Angela, bumalik ka rito!" tawag niya sa babae at bahagya pang natigilan nang maramdaman ang paninikip ng dibdib. Sa kabila ng paghihirap, pinilit niya ang sarili na sundan ang babae. Nang makita itong nakalabas na ng tarangkahan ay bahagya siyang natigilan. Mariin siyang pumikit. Ramdam niya ang sakit sa sariling dibdib. Pinilit niyang indahin iyon at nagpatuloy sa pagtakbo. Natanaw niyang tumawid ng kalsada si Angela. Akmang tatawagin niya ito subalit mabilis siyang natigilan nang marinig ang pagbusina ng paparating na sasakyan. Nakita niya kung paano tumilapon ang katawan ng pinakamamahal niya sa lakas ng pagtama ng kotse rito. Sa tindi ng impact niyon ay dead on the spot agad