ISANG malakas na pagsigaw ang pinakawalan ni Linus matapos nilang makabalik sa sariling mansiyon. Agad na bumaba mula sa pangalawang palapag si Kaname at sinalubong siya. "Ano'ng nangyari? May masama bang nangyari? B-bakit, Linus?" Sinubukan siya nitong lapitan at hawakan pero mabilis siyang umiwas. Nanginginig ang kalamnan niya sa tindi ng galit na nararamdaman. Pakiramdam niya, nakahanda siyang manakit ng sinumang taong lalapit sa kaniya. Gulong-g**o na siya. Hindi niya alam kung ano ang iisipin at paniniwalaan. Para bang pinaglaruan siya ng buong mundo. Siya ang tanging naging biktima sa larong ito. "Mister Francisco!" Mabilis na lumapit sa kaniya ang sekretarya. "Pag-utusan mo ako." "Gawin n'yo na! Kunin n'yo na siya!" Matapos niyang sabihin iyon ay agad na tumalima ang lalaki.