UMAAGOS ang mga luha mula sa magkabilang pisngi ni Ciara nang tuluyan niyang marating ang mansiyon ni Linus Gallardo. Marahas niyang pinalis ang mga ito bago matalim ang mga matang tinitigan ang malaking puting bahay ng lalaki. Sunod-sunod niyang pinindot ang busina ng sasakyan. Wala siyang pakialam kahit may mabulahaw pa siyang ibang tao. Wala na siya sa huwisiyong maging mabuting mamamayan nang mga sandaling iyon. Ilang sandali pa, tumatakbong lumapit ang dalawang lalaki sa malaking gate ng mansiyon. Binuksan ng mga ito ang tarangkahan kaya kinuha niya iyong pagkakataon para gawin ang pinaplano. "Hoy! Gabing-gabi na! Sino ka ba, ha!" dinuro siya ng isang lalaking nakalabas ng gate at lumapit sa sasakyan niya. Hinanda niya ang sarili at pinatakbo ang kotse patungo sa gate. Nang mapagt