Tuluyang umagos ang ilang luha sa magkabila niyang pisngi. Pilit niya iyong pinalis pero hindi kaya ng damdamin niya ang itago ang sakit. Sumenyas naman si Elton. Mabilis na nagbigay daan ang mga tauhan nila habang ang mga utusan ni Don Corne ay naghihintay sa utos ng matanda. Inalalayan siya ni Elton pero mariin siyang pumikit bago tinanggihan ang mga kamay nito. Huminga siya nang malalim at tuwid na tumayo bago tumalikod upang umalis, pero hindi pa man siya nakalalayo, isang bagay ang nagpatigil sa kaniya. "A-Argento... " Mariin siyang lumunok nang marinig ang nahihirapang tinig ni Don Corne. Kinuyom niya ang mga kamao. Mahigpit niyang pinigilan ang sarili na lingunin ang matandang lalaki. "A-Argento... ikaw ba iyan?" Sa sinabi nito ay napangisi siya na tila asong ulol. Muli niyan