NATIGILAN sa paglabas ng kotse si Linus nang maramdaman ang kamay ni Elton sa braso niya. Nilingon niya ang lalaki at nakita ang pag-aalala sa mukha nito. Nagbuga siya ng hangin bago bahagyang tumango. "It's okay, Mister Francisco." "Pero Linus, paano kung nagsinungaling ang apo ni Don Corne?" Binawi niya ang tingin at ilang segundong tumitig sa kawalan. Nang sagutin ni Ciara ang tawag niya kanina, hindi na siya nakapag-isip nang tama at agad na umayon sa inutos nito. Pero ngayong nandito na siya, saka niya napagtanto na hindi nga pala ang tipo ni Ciara ang basta-bastang nagpapatawad. "Kahit ano pa ang naghihintay sa akin ngayon gabi, nakahanda ako." Nang marinig ang pursigido niyang tinig, wala nang nagawa si Elton kundi ang hayaan siya. "Nandito lang kami." Bago siya tuluyang mak