"Sinabi ko nang bantayan n'yo ang galaw ng matandang iyon! Tingnan mo kung anong nangyari!" Naabot ng kamay niya ang lamp shade sa ibabaw ng side table ng kama, at saka marahas iyong ibinato sa pader ng kaniyang kuwarto. Walang nagawa si Elton kundi panoorin siyang magwala. Kung pagmamasda'y tila nawawala na siya sa katinuan. Matagal niyang pinagplanuhan ang paghihiganting iyon. Ibinenta niya ang sariling kaluluwa sa demonyo, makuha lamang ang lahat ng tinatamasa niya sa mga sandaling iyon, pero ganoon pa ang nangyari. "Hindi pa dapat nalaman ni Don Corne ang tungkol sa mga ginawa ko! Paano ko na makukuha ang hustisiya ngayon? Paano ko siya masisingil sa pagkamatay ni Inay!" Nanginginig ang mga kamay, tuluyan siyang napaupo sa sahig. Sa tindi ng awa na nararamdaman para sa kaniya ni El