MULA sa galit na mukha ng don, itinuon ni Linus ang paningin kay Ciara nang bigla siya nitong nilingon. Ilang ulit siyang lumunok habang nakatitig sa namamasang mga mata ng babae. Pulang-pula ang ilong at mga pisngi nito. Maging ang baba ay nanginginig sa pagpipigil ng luha. "Sino ka ba! Ano'ng dahilan mo sa lahat ng ito!" Muling umalingawngaw ang tinig ng matanda sa buong paligid. Huminga siya nang malalim kasabay nang pagkuyom ng mga kamao. Hindi niya pinansin ang sinabi ng matandang don, sa halip ay pinagmasdan niyang humakbang papalapit sa kaniya si Ciara. Kitang-kita niya sa bawat sulok ng mukha nito ang pait at sakit na nararamdaman. "Totoo ba iyon?" tila hangin na lumabas mula sa bibig nito ang mga katagang iyon. Nasasaktan siya para sa babae. Ito ang pinakamaaapektuhan sa kan