Mariin siyang umiling. Naniniwala siya na ang tunay na pag-ibig, hinuhubog ng panahon. Imposibleng magustuhan o mahalin mo agad ang isang tao sa maikling panahon lamang. Kagaya ng lolo at lola niya, highschool sweethearts ang mga ito. Ilang taon ang ginugol bago nila nasabing mahal talaga nila ang isa't isa. Ang mga magulang naman niya, magkababata. Maraming taon din ang kinailangan para mapagtanto ng mga ito na para sila sa isa't isa. Bata pa lang, gusto na niyang matulad ang love life niya sa mga magulang o sa lolo't lola niya. Ang nais niya, makilala nang mas maaga ang lalaking mamahalin pero bakit ganito? Ikinasal siya sa lalaking kakikilala lang niya. At mas affected siya dahil kahit bago pa lamang niya nakikilala si Linus, apektado na siya sa lalaki. Ngayon naman, sinabi nitong may