MABILIS na dumistansiya si Linus sa tabi ng dalagang si Kaname nang makita kung paano nag-iba ang ekspresiyon sa mukha ni Ciara. Tumalim ang mga mata nito at umiirap na tumalikod saka nagmamadaling naglakad palayo. "Ciara!" Agad niyang nilapag ang hawak na libro sa ibabaw ng shelf at mabilis na hinabol ang asawa. "Ciara, sandali lang!" Patakbong bumalik ang babae sa loob ng mansiyon at may pagmamadaling umakyat ng hagdan. Binilisan pa niya lalo ang mga hakbang at nagawang maabutan ito bago pa man makapasok sa loob ng sariling silid. "Ano ba!" bulyaw ng babae nang lingunin siya. Marahas nitong pinalis ang kamay niya. "Don't touch me!" "Ciara, sandali nga lang! Mag-usap tayo!" Hindi niya binigyan ng pansin ang sinabi nito at mahigpit itong hinawakan sa magkabilang braso, saka mariing hin