Chapter Sixteen |2|

1325 Words

Tumango si Kaname at pilit na ngumiti. "Sige, kukunin ko lang." Akmang tatayo na ito nang bigla siyang magsalita. "Sasamahan na kita," aniya saka tuluyang tumayo. Nakangiti niyang hinawakan sa kamay ang babae at hinila ito palabas ng dining room. Nang makalabas ang dalawa ay bumubuntong-hiningang binalingan ni Ciara ang babae sa tabi. "Bakit mo naman ginawa iyon?" Mataman niyang tinitigan ito sa mukha. "E, señorita, pasensiya na kayo. Kasi naman, kung makangiti at makatingin kay Sir Gallardo, e parang aasawahin na si Sir!" Muli siyang bumuntong-hininga at umiling. "Hindi mo dapat ginawa iyon, Luisita." Nagbaba ng tingin ang katulong. "Gusto ko lang din naman malaman kung ano ang magiging reaksiyon ni Sir Gallardo, señorita." Mariin siyang lumunok sa huling sinabi nito. Muling nagbal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD