Chapter Sixteen

1470 Words

NANG tuluyang makaalis sa mansiyon ang dalagang si Kaname ay nakabusangot na binalingan ni Ciara si Linus. Halos umusok na sa inis ang mga butas ng ilong niya nang makita itong umakyat ng hagdan pero hindi man lang siya pinansin. Nang akmang papasok na ito sa sariling silid, mabilis siyang sumunod mula sa likuran nito. "Wow! First name basis na pala kayo ngayon. Hindi ba dapat, sir ang itawag niya sa iyo?" Huminto si Linus sa tabi ng kama sa loob ng kuwarto nito at walang reaksiyon ang mukha nang lingunin siya. "Magkaibigan na kami kaya puwede na niya akong tawagin sa pangalan ko." Muli siya nitong tinalikuran saka nagtungo sa loob ng banyo. Tila siya napahiya sa ginawa ng lalaki. Hindi niya nagawang magsalita at ilang sandaling natameme. Nakasimangot niyang tinitigan ang pintuan kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD