Chapter Fifteen |3|

1330 Words

Nakangiti siyang tumitig dito. Hindi niya alam kung sasabihin sa kababata o hahayaan na lang itong isipin ang gusto nitong isipin. Sa totoo lang, nahihiya siyang sabihin dito na siya lang ang nagmamahal kay Ciara. Simula noon hanggang ngayon, siya lang ang tanging umiibig dito. At alam niyang walang magiging tugon ang pag-ibig niya rito. Umayos ng pagkakaupo ang babae at ibinaba ang hawak na balat ng mangga. "Naku, mukhang sumosobra na po yata ako. Sorry, sir, ha? Nahawa kasi ako sa tita ko sa Saudi. Tsismosa 24/7 iyon, e." Nakangiti siyang umiling sa sinabi nito bago bumuntong-hininga at sinandal ang likod sa sandalan ng desk chair niya. "Nah, it's okay." Kinuha niya ang ilang papeles sa ibabaw ng study table saka umaktong nagbabasa. "Actually, ako ang may gustong magpakasal kami." T

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD