ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Linus habang mahinang iniikot-ikot ang red wine sa loob ng hawak niyang glass. Mukhang marami pa siyang kakaining bigas bago tuluyang lumambot ang puso ng babae para sa kaniya. Pero hindi siya nagmamadali, handa siyang maghintay kahit abutin pa siya ng ilang taon, maangkin lamang ang puso nito. "Linus," nag-angat siya ng tingin nang muling bumalik sa inuupuan nito si Elton. Isang ungol lamang ang itinugon niya rito bago tuluyang dinala sa bibig ang labi ng wine glass at uminom nang bahagya. Natigilan si Elton nang mapansin nitong wala na sa inuupuan nito sina Ciara at Abeng. "Nasaan na ang apo ni Don Corne?" Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago binalingan ang lalaki. "Nagpunta sa bangko." Tumango na lamang si Elton at umayos ng