"You may now kiss the bride." Walang tigil sa pagbuhos ang luha mula sa mga mata ni Ciara matapos marinig ang sinabi ng pari. Sa wakas, matapos ng limang buwang paghihintay nila, dumating na rin ang araw ng kanilang kasal. Napangiti siya nang tuluyang itaas ni Linus ang belong suot niya. Bumungad sa kaniya ang naluluha nitong mga mata. Pulang-pula ito at hindi mapigilan ang pag-iyak. Ibig tuloy niyang matawa. Sa kabila ng pagluha ay nakasilay ang malapad na ngiti sa mga labi nito. Makikita ang labis na katuwaan sa mga mata at buong mukha ng lalaki. Naglalakad pa nga lang siya kanina sa gitna ng aisle ay lumuluha na ito. "I love you so much, my Ciara Lancheta." Ikinulong ni Linus ang magkabilang pisngi niya sa mga palad nito saka siya kinantilan ng halik sa mga labi. Matagal at puno ng