Napasinghap ang babaeng si Abeng nang makita ang ginagawa nila. Nasa likuran nito at nakasunod sina Elton, Mando at Luisita. Ilang ulit na tumikhim ang tatlo at nakangiting nag-iwas ng tingin. "Mama!" Itinaas ng batang lalaking karga ni Abeng ang dalawang kamay nito nang makita si Ciara Ciara. Gulat at nagtataka naman niyang tinitigan ang bata dahil sa tinawag nito kay Ciara. Mabilis na lumipat ang paningin niya sa babae dahil doon. Agad nitong pinalis ang mga luha sa magkabilang pisngi bago nilahad ang mga braso sa bata. "Baby, come here!" Malapad ang ngiting lumapit si Abeng sa babae at ibinigay ang bata na sa tantiya niya ay nasa tatlong taong gulang. Siya naman ay nanatiling nakatulala. Bakas ang pagkalito sa mukha. Mariin siyang lumunok habang pinanonood ang mga ito. Nang makuh