TAPOS nang magtanghalian ang lahat pero si Ciara ay naroon pa rin at nagkukulong sa loob ng kaniyang silid habang nakadapa sa kama at nagngingitngit ang kalooban. Ayaw mawala sa isip niya ang ngiti sa mga labi ng dalawa kanina. Mukhang enjoy na enjoy ang mga ito sa presensiya ng isa't isa. Nag-angat siya ng mukha at naningkit ang mga mata nang maalalang tumingkayad pa si Kaname upang bulungan sa isang tainga si Linus. Mariin siyang lumunok. Bakit ba siya naaapektuhan sa mga nakita niya? Dapat nga, maging masaya siya! Oras na nahulog sa isa't isa sina Linus at Kaname, madali na lang para sa kaniya na hiwalayan ang lalaki. Paniguradong ito pa mismo ang makikipaghiwalay sa kaniya kapag may iba na itong gusto. And she's Ciara Lancheta, ang nag-iisang apo ni Don Corne Lancheta. Hindi siya ang