Hindi siya tinuruan ng lolo niya kung paano magpatakbo ng asiyenda kaya ang nalalaman niya ay kakaunti lamang kumpara sa hinihingi ng sitwasiyon nila. Nagmukha tuloy siyang walang alam. Idagdag pa ang pagbusangot ng mukha niya dahil sa init ng panahon. Pakiramdam niya ay malulusaw siya sa matinding init ng araw. Maging ang hangin sa paligid ay mainit din. Hindi tuloy niya maiwasan ang hindi magsalubong ang dalawang kilay. Sa tuwing may dumadaan sa tabi niya at binabati siya, agad niyang inaayos ang mukha at nginitian ang mga ito. Baka ano pa ang isipin ng mga ito kapag nakita siyang nakabusangot. Kaya rin pala naitanong ng magaling niyang asawa kanina kung iyon ang susuotin niya, dahil ang outfit niya ay hindi angkop sa gagawin nila. Hindi man lang siya nito sinabihan. Ayaw naman niyang