MABILIS na naglaho ang ngiti sa mga labi ni Ciara nang biglang pumasok sa silid niya si Linus at agad na nahiga sa tabi niya. Katatapos lang nilang maghapunan at patulog na siya nang mga sandaling iyon. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Ibig niyang magdabog sa sobrang inis. Agad na dumapa si Linus sa espasiyong nasa tabi niya. Nakasuot na lang ito ng puting shirt at dark pajama. "Wife, I'm tired. I want to sleep." "Doon ka sa kuwarto mo matulog!" Bahagya niya itong hinampas sa braso. Ngumiti lang ito nang may kasamang mahinang pagtawa. "Mag-asawa tayo kaya dapat lang na matulog tayo sa iisang kama." Nakagat niya ang ibabang labi sa sobrang inis, lalo na sa huling sinabi nito. Kung anu-anong kababalaghan kasi ang pumapasok sa isip niya kaya hindi niya mapigilan ang mag-overreact. In