"Ikaw lahat ang nagluto nito?" tanong niya nang mapansin ang mga pagkaing nakahain. May nakahandang beef kare-kare sa ibabaw ng mesa, mayroon ding beef kaldereta, beef in mushroom sauce at gulay na may hinalong beef. "May alitan ba kayo ng mga baka? Parang may galit ka sa kanila, ah." Bahagya itong natawa sa joke niya bago kinuha ang plato niya at ito pa mismo ang naglagay ng mga ulam sa kaniyang plato. Kumuha na rin ito ng kanina para sa kaniya at nagsalin ng mango juice sa baso niya. "Maasikaso ka pala. Ganito ka rin ba kay Donya Milagros?" Bahagyang natigilan ang lalaki nang marinig ang pangalang binanggit niya. Nagbuga ito ng hangin bago ngumiti. "Unfortunately, even if I wanted to, hindi ko nagawa ang mga ito sa kaniya. Namatay siya agad kaya hindi ako nabigyan ng pagkakataon na