Chapter Nineteen

1021 Words

GABI na nang makabalik ng mansiyon si Ciara. Sinadya niyang hindi umuwi nang maaga dahil ayaw niyang maabutan sa mansiyon si Kaname. Kung sakali mang pagdating niya at naroon pa rin ang babae, kaunting oras na lang ang titiisin niyang makita ito kasama si Linus. Hindi niya alam pero ang bigat pa rin ng pakiramdam niya kay Kaname. Katulad rin noong mga bata pa sila. Isa ito sa mga rason kung bakit lumayo ang loob niya rito at kay Argento. Ngayon, heto't parang bumabalik na naman sila sa dati. Pakiramdam niya ay lihim pa ring galit sa kaniya ang babae. Kung noon, napapansin niyang ilag ito sa kaniya dahil kay Argento, ngayon naman ay dahil kay Linus. Mas naiinis lang siya ngayon dahil alam ni Kaname na asawa na niya si Linus pero kung makalapit ito ay wagas. Umaasa ba talaga itong papatula

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD