NAGBUGA ng hangin si Ciara matapos ng naging masinsinan nilang pag-uusap ni Cedrick. Nakaupo pa rin sa silya sa balkonahe ang lalaki habang siya ay nakatuon ang tingin sa pader at nasa dulo ng kama. Narinig niya itong tumikhim. "Sana sinabi mo sa akin ang tungkol sa problema n'yo." Bumuntong-hininga siya saka umiling. "Labas ka sa problema namin." "Pumpkin, sa kabila ng mga nalaman mo, may pinagsamahan pa rin tayo. Hindi ko magagawang pabayaan ka na lang. At isa pa, tayo ang dapat na ikinasal." Tumayo siya at tumungo sa tapat ng pinto ng silid niya. Nilingon niya ang lalaki kasabay ng pagbukas niyon. "Lumabas ka na. Tapos na tayong mag-usap." Hindi agad ito nakagalaw. May ilang segundo siya nitong tinitigan bago tumatangong nagbuga ng hangin. Tumayo na ito saka naglakad papunta sa na