Agad na kumuyom ang mga kamay niya pero pinigilan niya ang sarili na magsalita o lingunin man lang ito. Sa galit niya ay baka masaktan lang niya ang babae. Iniiwasan niyang mangyari iyon. "Bakit hindi ka na lang magpasama sa boyfriend mo?" atribidang dagdag ng dalaga, pero natigilan ito nang itaas ni Linus ang kamay para patahimikin ito. "Pero, Linus... " Nagbuga ng hangin si Linus. "Babalik ako." Pakiramdam niya ay umakyat ang dugo sa ulo niya nang marinig ang sinabi nito. Nagpagpag ito ng kamay bago nagpatiuna na sa paglalakad. Sumunod naman siya sa likuran nito. "Wow! Babalik ka?" Natatawang umiling siya. "Kailangan mo ba talagang magpaalam sa kaniya? Ano mo ba siya? Asawa mo?" Bigla itong huminto sa paglalakad at hinarap siya. Agad naman siyang natigilan. Mariin na lumunok at taas