TUMIGIL sa paglalakad si Ciara sa harap mismo ng malaking double doors ng mansiyon nila at bumuntong-hininga. Itinaas niya ang kanang braso para makita ang oras sa relong-pambisig. Alas-otso na ng gabi. Hiling lang niya na sana, wala pa si Linus o kaya'y nasa kuwarto na nito ito para hindi na sila magkita. Tuluyan niyang binuksan ang malaking pintuan saka pumasok sa loob. Agad naman siyang natigilan sa bumungad sa kaniya. Mabilis na kumabog ang dibdib niya nang matanaw si Linus, nakaupo ito sa armchair ng receiving area, nakade-kuwatro at may hawak na kopita ng alak sa isang kamay. Nang mapansin siya nito ay matalim ang mga matang binalingan siya. Ilang ulit siyang napalunok nang magtama ang paningin nila. Pakiramdam niya, may umihip na hangin sa likod niya. Naninindig ang mga balahibo n