Chapter Thirty |2|

1003 Words

Naramdaman niyang gumalaw si Kaname mula sa pagkakahiga nito. Inangat ng babae ang mukha sa kaniya at malambing na ngumiti. "Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain? Ipagluluto kita." Hinalikan nito ang dibdib niya bago kinuha ang kamay niyang hindi nakahawak ng sigarilyo, saka iyon dinala sa pisngi nito. "O baka gusto mo munang mag-shower? Gusto mong ituloy natin?" Napatingin siya rito nang sabihin nito ang huling parte sa pabulong na paraan. Matagal niyang tinitigan ang mukha ng kababata. Masuyo nitong hinalik-halikan ang kamay niya bago iyon pinaglandas sa pisngi nito, pababa sa leeg hanggang sa maabot ang malulusog nitong mga dibdib. Hindi niya napigilan ang masaktan nang maisip na dinamay niya ito sa paghihiganting ginawa niya. Si Kaname, itinuring niya ang dalaga hindi lang bilang mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD