NAGISING mula sa malalim na pagkaiidlip si Linus dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha niya. Sa pagdilat ng mga mata, ang mukha ng natutulog na si Kaname ang unang bumungad sa kaniya. Maagap siyang bumangon bago bumubuntong-hiningang sinandal ang likod ng ulo sa headboard ng kama. Kagabi, matapos nitong ipagbigay alam sa kaniya na alam na nito ang sikretong itinatago niya, hindi ito umalis at nanatili na lamang sa kaniyang tabi. Hindi nagtanong ang babae. Wala itong ni isang sinabi sa kaniya tungkol sa mga nangyayari. Hinintay na lang siya nitong kusang magsalita. Sa paglipas ng mga oras, napilitan siyang sabihin dito ang nangyari sa kaniya matapos mamatay ng sariling ina. Hindi siya hinusgahan ng dalaga. Sa halip ay inintindi siya nito. Tuluyan siyang bumangon at nagdesisiyong