"Bumaba ka na. Ngayon na." Nang hindi pa rin ito sumunod sa gusto niya, kinalas niya ang sariling seat belt at dumukwang para buksan ang pintuan sa gawi nito. Lumuluha ito nang tapunan niya ng sulyap. "Mag-uusap tayo. Sa ngayon, bumaba ka na muna." Mas lalong lumamlam ang mga mata ng dalaga, pero sa huli ay pinili nitong sundin ang inuutos niya. Pinahid nito ang mga luha sa pisngi gamit ang mga palad. Humihikbi itong ngumiti. "Maghihintay ako. At sana, kapag dumating na ang oras na iyon, natauhan ka na." Kinalas nito ang seatbelt at mabilis na lumabas ng kotse. Mariin siyang lumunok saka isinara ang nakabukas na pintuan ng sasakyan. Muli, mabilis niyang pinaharurot ang kotse palayo. Kinuha niya ang sariling selpon at tinawagan ang numero ng isang kakilala. Nagtatrabaho ito sa airport