"Such an idiot, Ciara." Kinagat niya ang ibabang labi habang nakapikit ang mga mata. Ilang segundo pa ang lumipas, nakarinig na siya nang ilang magkakasunod na katok sa pinto ng kaniyang silid. Mabilis siyang bumangon upang makaupo nang maisip na si Linus ang kumakatok sa labas. "Ciara? Buksan mo ito. Mag-usap tayo." Hindi nga siya nagkamali, ang asawa ang nasa labas ng silid niya. Agad na kumabog ang dibdib niya. Sa loob-loob niya ay magkahalong tuwa at takot ang nadarama. Nakita niyang gumalaw ang siradura ng pinto. Napalunok siya nang muling marinig ang tinig ng lalaki. Matagal niyang pinagmasdan ang pinto. Nagtatalo ang isip niya kung bubuksan ito o hindi. "Ciara, please... kausapin mo ako..." Naramdaman niya ang muling pag-iinit ng mga mata. Sa huli, pinili niyang kunin ang isan