MAGKASALUBONG ang mga kilay na pumasok si Kaname sa loob ng silid ni Linus. Ang lalaki ang unang bumungad sa paningin niya. Nakapikit pa rin ang mga mata nito habang nakahiga sa kaliwang banda ng kama. Nagmamadali siyang tumungo sa tabi nito. Kinuha niya ang isang puting bimpo at nilublob sa tubig upang mabasa. Nilingon niya ang maamong mukha ng lalaki at sandali itong pinagmasdan. Biglang nagbalik sa kaniya kung paano nito lunurin ang sarili sa alak hanggang sa halos hindi na nito makayanan ang umuwi nang mag-isa. Kahit na nakaalalay ang sekretarya nitong si Elton dito at ang ilan sa mga bodyguards nito, nagpumilit siyang sumama upang maalagaan ang lalaki. Paulit-ulit man nitong tinatawag ang pangalan ni Ciara kanina bago ito mawalan ng malay, ininda na lamang niya ang makita ito sa gan