HINDI siya agad nakaimik nang makita ang dalawang taong magkasamang lumabas sa katabi niyang silid—si Linus at Kaname. Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib nang matitigan ang mukha ng lalaki. Nakatingin din ito sa kaniya. Halatang wala itong tulog dahil sa hitsura nito. Para itong pagod na pagod sa buong magdamag. Nang magbalik sa kaniya ang sinabi ni Kaname kagabi at ang hitsura ng dalawa ngayon, hindi niya mapigilan ang sarili na mag-isip nang masama. Hindi rin niya mapigilan ang masaktan. Nang mabaling kay Kaname ang tingin niya, ngumisi ang babae bago siya nito inirapan. Mas lalong kumulo ang dugo niya sa ginawa nito. Bumaba pa ang paningin niya sa suot nitong damit, nakaitim na sando na lang ito at pekpek shorts. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagtitimpi. Binaling niya ang ti