Chapter Twelve |2|

1041 Words

Tatalikuran niya sana itong muli at lalapit na sa hagdan nang maramdaman niya at marinig ang mga yabag nito sa kaniyang likuran. Napasinghap siya nang hawakan siya nito sa braso at pinihit paharap dito. "Hindi por que nasa Hacienda Lancheta tayo, hindi na kita asawa. Pumayag kang magpakasal sa akin at may pinirmahan tayong kontrata. Sa mata ng Diyos, at sa mata ng mga tao, ako ang nagmamay-ari sa iyo." Tuluyang umawang ang bibig niya sa mga bagay na sinabi nito. Nanlalaki ang mga matang sinalubong niya ang tingin ng lalaki. Pakiramdam niya ay napapaso siya sa bawat titig nito na tila ba tumatagos hanggang sa kaluluwa niya. Mariin siyang lumunok bago buong puwersang binawi ang braso niya. "Correction, napilitan akong pakasalan ka—teka, ano'ng ginagawa mo?" Bahagyang tumaas ang tinig niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD