Chapter Twelve |3|

1143 Words

"Gising na ba si Lolo?" agad niyang tanong sa babae nang malapitan ito, mahigpit pa niyang hinawakan ang isang kamay nito. Mula sa kaniya ay nalipat ang tingin ng babae sa lalaking si Linus na nakasunod sa likuran niya, pero agad ring ibinalik sa kaniya ang mga mata. "Opo, señorita." Maagap itong tumango. Sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi niya. Akmang papasok siya sa silid ng matanda nang maramdaman niya ang kamay ni Abeng na pinigilan siya. "Señorita Ciara," malungkot ang tinig ng babae habang sinasambit ang pangalan niya. Nakaramdam agad siya ng kaba. "Kasi po, bilin ng doctor ni Don Corne na huwag kayong papasukin sa loob, lalo na raw kung... k-kasama mo ang asawa mo." Muling bumaling ang tingin nito sa lalaki. Siya man ay nilingon na rin si Linus na tahimik na nakatayo sa k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD