MABILIS na iniwas ni Linus ang paningin nang mabaling sa kaniya ang mga mata ng sariling asawa. Galing ang babae sa kusina at paakyat na ito sa hagdan habang may tangan na isang baso ng gatas sa kamay. Halos tatlong araw na rin niyang iniiwasan si Ciara dahil sa naging sagutan nila noong isang gabi. Ayaw naman talaga niyang iwasan ang babae, sa ginagawa niya ay mas lalo lang siyang nauubusan ng oras para makalapit dito. Mas lalo lang din lumalayo ang loob nito sa kaniya. Paniguradong sa pagbalik ng matandang don ay may tiyansang paalisin siya nito sa mansiyon. Kung sakaling mangyari iyon, kahit kasal pa sila ni Ciara ay mahihirapan siyang lapitan ang babae. Pero kung hindi naman niya iiwasan ito, sa tuwing magkikita sila ay magtatalo lamang sila ni Ciara. Ayaw niyang tuluyang mamuhi sa k