ILANG beses na bumuntong-hininga si Ciara habang nakatayo sa harap ng pinto ng kaniyang silid. Gusto niyang sundan ang lalaki at bawiin dito ang mga sinabi pero hindi niya magawa. Sa tatlong araw na pag-iwas nito sa kaniya, hindi niya inaasahan na magiging apektado siya rito. Pakiramdam niya ay isang mahalagang tao ang bumabalewala sa kaniya sa tuwing nagkakatitigan sila pero mabilis itong umiiwas ng tingin. Nababaliw na ba talaga siya? Mag-asawa nga sila pero hindi nila talagang kilala ang isa't isa. Estranghero pa rin ito sa kaniya at ganoon din siya rito, kaya bakit naaapektuhan siya sa nangyayari sa kanila ng lalaki? Hindi dapat ganoon ang nararamdaman niya. Sa nakalipas na tatlong araw, nagsimula siyang makaramdam ng takot para sa nararamdaman sa lalaki. Ang dapat ay wala siyang p