Sa sinabi nito, siya naman ngayon ang natigilan. "Kaname, napag-usapan na natin ito. Pag-aaralin kita. Ako ang gagasto sa lahat." "Aalis lang ako rito kung aalis ka na rin. Pero kung hindi, ayaw ko ring umalis. Hindi kita iiwan." Ilang ulit itong umiling. Malamlam ang dalawang pares ng mga mata nito. Hindi niya nagawang magsalita matapos ng mga sinabi nito. Matagal niyang tinitigan ang babae. Mahahalata ang kalungkutan sa buong mukha nito. "Sabihin mo ang dahilan! Ano ba ang nagawa ko? May mali ba ako sa mga trabaho? Masiyado ba akong nag-i-invade sa privacy mo? Sabihin mo sa akin!" Napabuga siya ng hangin saka umiling. Binaling niya sa ibang direksiyon ang mga mata. Ayaw naman talaga niyang paalisin ang babae, pero ano'ng magagawa niya kung iyon ang gusto ni Ciara? Nagiging maayos na