BIGLANG natigilan sina Ciara at Cedrick nang sa pagpasok nila sa loob ng dining room, bumungad sa kanila ang dalagang si Kaname. Hinahanda nito ang mga bagong lutong pagkain sa ibabaw ng mesa. Walang imik namang nakaupo sa isang silya si Linus. "Nandito na pala kayo." Malapad na ngumiti ang dalaga. "Tamang-tama! Handa na ang hapunan!" Mula sa nakangiting mukha nito, binaling ni Ciara ang paningin sa babaeng si Luisita. Nakatayo ito sa dulo ng lamesa at tila nagmamatyag din sa ginagawa ni Kaname. Tinitigan niya ito at bahagyang pinanlakihan ng mga mata. Waring sinasabi kung bakit si Kaname ang nag-aasikaso ng pagkain. "I hope you don't mind, señorita. Pinakialaman ko na ang kusina ninyo. Gusto ko kasing ipagluto si Linus." Napalunok siya sa sinabi nito, lalo na sa paraan ng paghawak ng