"Ano ba iyon?" nagtataka niyang tanong. Alanganing ngumiti ang babae pero umupo pa rin sa gilid ng kaniyang kama. Pabulong itong nagsalita, "Señorita, nag-away po ba kayo ni Sir Gallardo?" Nang marinig ang pangalan ng lalaki ay bumubuntong-hininga siyang nag-iwas ng tingin. Dama niya ang mabilis na pagkabog ng dibdib. Normal pa ba ang nararamdaman niya? Sa tuwing naririnig niya ang pangalan nito, kumakabog nang mabilis ang puso niya. Kinakabahan din siya pero sa parehong pagkakataon, na-e-excite. "Bakit?" tugon niya rito. "E, señorita, kung ako sa inyo, huwag n'yo nang awayin si Sir Gallardo." Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay sa narinig. Napansin naman iyon ni Luisita kaya agad rin itong nagsalita. "Kasi naman, señorita, sa tuwing umiiwas kayo kay Sir Gallardo, lumalap