Lalong umarko ang mga kilay niya sa nakikitang reaksiyon sa mukha nito. "Excuse me? Nakakalimutan mo na yata kung sino ako?" Nangungutyang ngumiti ang dalaga. "Señorita Ciara, baka nakakalimutan mo rin. Hindi na lang kayo ang may-ari ng asiyendang ito! Pag-aari na rin ito ni Linus! Huwag kang umasta na parang nasa itaas ka pa rin!" "Enough, Kaname!" Tuluyang natigilan ang babae nang magtaas ng tinig si Linus. Hindi naman nawala sa isa't isa ang matalim na titigan nila ng dalaga. Tila sila nagsusukatan ng tingin. Nagmamalaki siyang nagtaas ng noo at mas lumapit dito. "In case you didn't know, regalo sa akin ng asawa ko ang kabayong ito. Kung mayroon mang may karapatang sumakay rito, ako lang iyon." Inirapan niya ang dalaga saka pinagsalikop ang mga braso sa tapat ng dibdib. Tila naputu