KASALUKUYAN silang naglalakad sa kahabaan ng daan habang tahimik na nakatanaw sa paligid. Malapit na sila sa parte ng asiyenda na maraming puno. Nais siyang dalhin ng lalaki roon sa hindi niya malaman na dahilan. Nagbuga siya ng hangin matapos muling sumagi sa isip niya ang ex na si Cedrick. Siguro dapat hindi na niya ito tinakot noong araw na makipaghiwalay siya rito. Ngayon tuloy ay hindi na siya tinatantanan ng lalaki. Maging ang mga social media accounts niya ay napupuno na ng mga mensahe mula rito. "Ano bang iniisip mo?" nakuha ni Linus ang atensiyon niya nang bigla itong magsalita. Mula sa kawalan ay binaling niya ang tingin sa lalaki. Ngumiti siya rito at umiling. "I don't want to talk about it." Nagpakawala siya ng mahabang buntong-hininga. Ano naman kaya ang gagawin niya oras