Mabilis akong napalingon sa kinaroroonan ng pintuan nang may kumatok mula sa labas ng tatlong beses.
Tok! Tok! Tok!
“Buenas dìas Señora. Is it decent for me to come in?” tanong ng isang baritonong boses mula sa labas.
Hindi ko naman batid kung ano ang dapat kong gawin. Bakit sa tono at paraan ng pagkakasabi ng kung sino mang lalaki ang nasa labas ay parang hindi ako isang kidnapped case. Tila ba hindi ako isang kaso ng biktima sa isang krimen sapagkat namamaalam pa ang aking kidnapper bago ito pumasok sa aking silid. Kung tutuusin ay maaari na lamang itong pumasok dahil malinaw na pagmamay-ari naman nito ang kinalululanan naming sasakyang pandagat.
“Sino ka?!” malakas na pagtatanong ko gamit ang Filipino na kaagad ko namang trinanslate sa English para maintindihan ng banyagang nagta-try kumausap at pumasok sa aking silid.
“Who are you?!” muli kong asik.
“Maybe I should take that as a yes answer,” rinig kong sabi ng baritonong boses sa labas bago umikot ang hawakan ng pintuan at tsaka bumukas.
Linuwa nito ang isang maskuladong nilalang na nakadamit ng all black na outfit mula sa coat, slacks, at shoes nito. Hindi ko tuloy maiwasang manerbiyos ng bahagya sa nakakaintimidate na aura nito. Sa kanang kamay ay may hawak itong isang platter na naglalaman ng pagkain pang-breakfast. Hindi ko makita ng buong detalye ng nakalagay dito sapagkat masyadong matangkad ang lalaki kumpara sa akin.
Naglakad na ito palapit sa maliit na table sa isang banda at linapag ang hawak nitong tray ng pagkain. Doon ko na lamang tuluyang nasilip ang buong nilalaman ng hawak nito kanina. May mga seafoods at vegetable salad na nakalagay sa magkakahiwalay na maliliit na mangkok na sinabayan pa ng isang baso ng fresh milk sa may gilid.
Nagmistulang mga bituin ang aking mga mata sa mga putaheng nakatambad sa aking harapan ngunit pilit ko itong ikinukubli sa pamamagitan ng pagpipigil ngiti sa aking mga labi. Aminado akong masasarap ang mga pagkaing inihanda. Sa tingin pa lang langit na. How much more kung titikman na diba?
Mabilis kong tinulak pabalik sa aking sistema ang pagkatakam. ‘Hoy Dalarie! Baka nakakalimutan mong mga kidnappers mo sila na hindi mo dapat pinagkakatiwalaan. In short, huwag mong pagkakatiwalaang walang bahid na hidden motif ang mga bagay na binibigay sa iyo. Huwag mong basta-basta kainin ang mga pagkaing iaalok sa iyo.’ Malakas na pagpapaalala ng aking konsensiya sa aking natatakam na diwa.
Huminga ako ng malalim at tsaka inalis ang aking paningin sa mga nakakaakit, nakakaengganyo, at nakakahalinang mga pagkain. Tinitigan ko ang mga mata ng lalaki sa aking harapan. Gwapo ito at may malalim na kulay berdeng mga mata, matangos na ilong, at mamula-mulang mga labi na may kaunting pilat sa kaliwang bahagi. Marahil ay minsan na itong nadamay sa kung ano mang gulo o away ang sinalihan ng lalaki noon. Sa kabuuannng ekspresiyon ng mukha nito ay maaninag ang pagiging serysoso.
“Cómo estás Señora? [How are you Señora?] You should eat first to restore your energy,” pagsasabi ng lalaki. Medyo napakunot noo naman ako sa naging unang pahayag nito gamit ang kakaibang lenggwahe.
“English please,” hindi ko napigilang lumabas sa aking mga bibig. Medyo napa-flinch naman ang lalaki bago magsalita.
“Just as I thought Ser Baristan never taught his daughter Spanish,” pabulong na sabi ng lalaki na abot na abot naman sa aking pandinig bago ito tuluyang magsalita ng normal.
Ser Baristan? Daughter? Ano ba ang sinasabi nito? Medyo naguguluhan akong intindihan ang sinabi niya.
“Ahem…” pagtikhim nito upang kunin ang atensiyon ko na halatang napapalipad sa ibang dimensiyon…napapalipad sa mga katanungang namuo dahil sa binulong nitong palaisipang pahayag.
“Cómo estás Señora means ‘how are you Señora' in English…” pagpapaliwanang nito sa akin. Napatango na lamang ako.
“You’ve been unconscious for almost two days,” dagdag pa nito na talaga namang nagpalaki ng aking mga mata. What?! Unconscious?! Two days?! Bumalik naman sa aking alaala ang mga pangyayari noon sa beach kung kaya naman hindi ko maiwasang tapunan ng napakasamang tingin ang lalaki.
“Who are you?! And why did you kidnapped me?! What the hell I am doing here?!” buong tapang kong pagtatanong na hindi ko namalayan ay nagiging sigaw na pala dahilan ng pagsilip ng ilan pang nakaitim na suot na kalalakihan sa pintuan ng aking kwarto.
“Castilliàno I thought you’d done something terrible to the don’s girl,” rinig ko pang pabirong ani ng isang lalaki habang nakapaskil sa mukha nito ang nakakalokong mga ngiti. Tsk! Wait…Ano ulit?! Don’s girl?! Kanina lang ay nasabihan akong daughter ng isang taong nagngangalang Ser Baristan…then ngayon naman ay babae ako ng isang don?!
What’s the meaning of all of these?! Ano ba ang ibig sabihin ng mga bagay-bagay na ito? Bakit tila ba pilit na pinapasok sa aking sistema ang isang katauhang hindi ko kilala? Bakit tinatawag akong señora?
“Tell me man in black…Who are you ?...And why am I here?” kalmado ngunit puno ng determinasiyong pagtatanong ko sa lalaki. Kailangan ko ng kasagutan. Kailangan kong malaman ang dahilan ng mga bagay-bagay na ito.
Bakit ako naparito? Anong kailangan nila sa akin?
“Ahem…” tumikhim muli ito bago magsalita. Sa kabila ng kaseryosohan ng atmosphere ay hindi ko pa rin makaligtaang mapansin ang palagihan nitong pagtikhim bago magsalita. Ano iyon? Personalize signature speaking style niya? Nakabalik lang din ako sa seryoso mode nang magsimula na itong magsalita.
“My name is Edmundo Castilliàno and I am working for Don Sebastian Portavo…” seryosong pagsasabi nito. Parehong hindi pamilyar sa aking pandinig ang mga pangalang nabanggit kung kaya naman napapaisip ako kung sakali ay minsan ko na silang na-encounter sa kahit isang yugto ng aking dalwampu’t anim (26) na existence rito sa mundo…ngunit wala…wala talaga. Alam ko sa aking sarili na ni minsan ay hindi ko pa naririnig ang pangalang Edmundo Castilliàno at ang Sebastian Portavo.
“Don Sebastian Portavo…your fiancé…” pagdudugtong nito sa naunang sinabi. Halata sa aking namimilog na mga mata at nakaawang na bibig ang gulat at pagkamangha! Ha?! Fiancé?! May fiancé na pala ako gayong ni minsan ay hindi ko pa naranasang magkajowa o magkasiyota. Taliwas sa iniisip ng marami dahil sa bitchy attitude ko ay marami na akong naging kasintahan at naging ex…ngunit sa katunayan ay isa ako sa limang porseyento ng mga taong nabibilang sa populasiyon ng NBSB (No Boyfriend Since Birth). Populasiyon ng mga taong never pangnagkaroon ng tinatawag na baby, bhe, mahal, honey, sweetie, at kung anu-ano pang mga naimbentong tawagan ng magkasintahan. Sumagi tuloy sa aking >isipan ang tawagang narinig ko noon mula sa babaeng minsan ko ng pinanggigilan at lalaking minsan ko ng hinahangaan. Walang iba kundi sina Morghana at Cohen. Napakacheesing isipin na hottie at beauty pala ang kanilang tawagan.
“That’s all I can say for now Señora. I am in no position to disclose everything to you,” ani ng lalaki na nagngangalang Edmundo na nakapagbalik ulirat sa akin.
“Huh? Are you saying something…err…I mean…pardon,” pagpapaulit ko ng sinabi niya sapagkat medyo hindi ko ito narinig ng malinaw dahil sa pag-iisip ko ng mga bagay-bagay kagaya ng hottie at beauty na tawagan.
“That’s all I can say for now Señora. I am in no position to disclose everything to you. That’s what I am saying ma'am,” buong pasensiyang pag-uulit nito.
“Eat now and you’ll learn everything later once we reach Formentera,” ani ni Edmundo. Kapansin-pansin ang pagiging malumanay nito sa pakikipag-usap sa akin sa kabila ng pagiging makulit ko.
Unknowingly ay napaalalahanan ang aking isipan na ang kausap at kaharap ko ngayon ay isa sa aking mga kidnapper at hindi dapat ako manlambot. Hindi dapat ako magpabaya at manatiling alerto. Pinalisik ko muli ang aking mga mata at tinapunan siya ng nakamamatay na tingin. If only looks can kill, then this man would be as good as dead by now. My death glare would have sent him six inches below the ground if and only if...but that was all impossible I know.
“Whoa!” kunwari namang napaurong si Edmundo at napataas sa ere ang dalawang kamay bilang pagsuko sa biglaang pagbabago na aking pustura at ekspresiyon. Right. Just pretend to be scared of me. Kung alam ko lang ay may nakasukbit na baril sa may bewang nito…at ito ang balak kong agawin.
Sometimes, having a reliable weapon assures safety. Kailangan kong magkaroon ng baril para siguraduhing mapoprotektahan ko ang aking sarili sakali mang magkaroon ng mga hindi inaasahang mga pangyayari na hindi makabubuti sa akin.
Maybe I should thank my grandma for insisting karate and self-defense class for me when I returned in the Philippines matapos kong pilit na pinagsiksikan ang aking sarili sa bagong pamilya ng aking ina sa Italy noong bata pa ako. Parehong lugar kung saan ko rin nakilala at naging kaibigan ang best friend kong si Neil Sison.
Pakunwaring naglalakad ako patungo sa direksiyon ni Edmundo na walang kahit ano mang pakay. Nang makalapit na ako sa kanya ay mabilis kong sinipa ang yari sa metal na upuan sa aking paanan upang ibaling ang atensiyon niya. Kasabay nito ay pinasok ko ang aking kamay sa may laylayan ng itim na coat nito, kinapa ang bewang na posibleng kinasusukbitan ng baril.
Napangiti ako ng maramdaman ang malamig na metal na nahawakan ng aking kamay.
“Ack!” bigla akong napangiwi nang maramdaman ang mahigpit na paghawak ni Edmundo sa aking pulsu-pulsohan na nakapasok sa may damit nito at nakahawak na sa baril.
“Lo siento Señora [Sorry Señora]” ani ng lalaki habang nakatingin sa kamay nitong bumabakat na sa aking balat. Pagkuwa’y naramdaman ko ang bahagyang pagluwag ng pagkakahawak nito sa akin.
Perfect timing na sana ito upang hugutin palabas ang aking kamay kasabay ang hawak kong baril kung hindi lang nito muling hinigpitan ng pagkakahawak ng aking pulsu-pulsohan at pigilan ang aking plano.
No choice kundi ang mag-proceed sa Plan B.
Nakatali man ang aking isang kamay ngunit may isa pa akong maaaring gamitin. Para saan pa at linikha itong dalawa.
Mabilis kong sinunod na pinasok ang kaliwa kong kamay upang salubungin ang kinalalagyan ng kanan kong kamay na ngayon ay nakahawak na sa baril.
“Ack!” muli akong napangiwi nang makaramdam ng panibagong paghawak sa pulsu-pulsohan ng kapapasok ko lamang na kamay. Akma itong hihilain palabas ni Edmundo nang matagumpay kong maikasa ang baril sa may bewang nito.
Clack!
“Don’t move or I’ll shoot you,” malamig kong sabi na pilit na pinapatapang ang aking boses. Nakatutok na sa may bandang tagiliran ni Edmundo ang bunganga ng yari sa metal na baril.
“Whoa!” muling ani nito habang halatang namamangha ngunit chill na chill pa rin ang itsura. Walang bahid ng pagkatakot ang maaaninag sa mga mata nito. Pawang pagkamangha lamang ang meron. Aminado siyang hindi isang basta-bastang babae ang fiancée ng kanilang boss, ngunit iba pa rin talaga ang dating kapag mismong na-experience mo na talaga ito.
Dahan-dahan ko ng linabas ang baril mula sa loob ng coat habang hindi pa rin tinatanggal ang physical contact nito sa balat ni Edmundo. Baka sa isang iglap ay bumaliktad na ang sitwasiyon.
“Take down your gun Señora,” rinig kong ani ng mga boses ng ibang kalalakihan sa paanan ng aking pintuan. Napalingon ako roon at kitang-kita ko ang dalawang lalaking may hawak na mga baril na nakatutok sa kinatatayuan ko. Ugh! Oo nga pala. May mga kasamahan pa si Edmundo at malamang na malamang ay poprotektahan nila ang bawat isa.
Muli kong tinuon ang atensiyon ko sa lalaking kaharap ko ngayon upang bigyan ng huling masamang tingin bago ko isuko ang pinaghirapan kong agawing baril dahil sa pagsulpot ng dalawa pang kalalakihan.
Laking gulat ko na lang sapagkat hawak na pala nito ang baril na inagaw ko kanina. Pagtangin ko sa aking kamay ay wala na rin ang baril na hawak ko.
Nakita ko ang pagngisi ni Edmundo sa akin at binibigyan ako ng wala-ka-sa-aking-lakas-look. Hindi ko naman maiwasang mairita at mainsulto.
Sabihin man nating nag-aral ako ng art of self-defense ngunit higit na mas lamang ng ilang beses ang lalaking ito sa akin sapagkat sa hubog pa lang ng katawan ay alam mo na nag-gygym ito o di kaya’y physically adept.
“Save that energy for the don and eat your food. You’ll need a lot of it. Trust me,” huling sabi ni Edmundo bago magsimulang maglakad papunta sa may pintuan at tuluyang lumabas.
Click! Tunog ng awtomatikong pag-ikot ng hawakan ng pintuan pagkasara nito.
Naiwan akong mag-isa sa aking silid…
Brubb!
Biglang reklamo ng aking tiyan. Napahawak ako rito at tinignan ang pagkaing nakalapag sa lamesa.
Kakainin ko ba ito o hindi? Baka mamaya may lason na linagay o di kaya’y droga.
It took me at least five minutes bago mapagtanto ang magiging desisiyon ko.
Kung mamatay rin lang naman ako sa gutom bakit hindi ko pa lantakan ang mga pagkaing ito.
Muli kong inayos ang upuang sinipa ko kanina at umayos ng upo sa harap ng lamesa upang kumain.
“Hmmmm…” Hindi ko maiwasang amuy-amoyin ang napakabango nitong aroma.
Ambango…
Parang ang sarap…
Nakakatakam…
Nakakatawa mang isipin...kung saka-sakali mang may lason nga ang pagkain…ang magiging cause of death ng isang Dalarie Cohlshana ay seafood at vegetable salad.
Kumain na ako at hinayaang ipagsawalang tabi ang mga katanungan at pag-aalalang gumugulo sa aking isipan.