Pagkatapos ang halos dalawang pang araw na paglalayag sa malawak na karagatan ay nakatagpo na rin kami ng lupa. Isang maliit na privately owned island sa silangan ng malaking mainland ng Espanya- ang isla ng Formentera. Isang isla na hindi ko inaasahang magpapabago ng aking buhay.
“Bienvenida Señora! Welcome to your home!” maligayang sabi ni Edmundo nang muli niyang katukin ang aking silid upang ipagbigay-alam ang pagdaong namin sa aming destinasiyon. Kanina ko pa naman natatanaw ang islang ito mula sa kalayuan at matiim ko itong kinakabisado. Kung sakali mang ito ang magsisilbing kulungan ko, at least diba pamilyar na ako sa pasikut-sikot ng lugar kahit sa angulong ito lamang.
Lumapit ako sa bintana upang mas malapitang silipin ang lugar. Dito ko napagtanto na minsan iba ang ating nakikita kapag nasa malayuan tayo sa talagang katayuan ng mga bagay-bagay sa totoong buhay.
Kanina sa kalayuan ay tila ba isang maliit na pitak lamang ng lupa ang nasabing isla ngunit sa malapitan ay isa itong malawak na lupaing binubuo ng mga nagtataasang mga niyog at iba pang mga punong kahoy na matatagpuan lamang sa lokasiyong ito. Mapuputi ang buhangin na walang ipinagkaiba sa buhangin ng Hawaii at tanyag na beach ng Pilipinas- ang Boracay Beach.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang may tumikhim sa aking likuran. Walang iba kundi isa sa mga lalaking nakaitim na kasamahan ni Edmundo.
“Ahem...” pag-aagaw pansin nito. Inikot ko naman ang aking leeg upang lingunin ito. Tinaasan ko ito ng kilay nang mahuling pinapasadahan pala nito ang mahaba kong biyas na malayang nakalantad sa suot kong itim na shorts at puting hoodie jacket.
Natauhan naman ito at bahagyang napakamot sabay alanganing ngiti. Medyo nagulat pa ako sa asal nitong parang bata na nahuling nagnanakaw tingin sa mga bagay na hindi dapat tinitignan ng isang bata. Taliwas ito sa expectations ko na seryoso at maskuladong asta ng isang lalaki mula sa suot nitong all black na pang-bodyguard o di kaya’y pang-security guard na outfit nilang lahat dito sa yate.
“Señora it’s time for you to vacate the yatch. We are now here in the don’s greatest haven- Formantera Island!” buong pagmamalaking sabi ng lalaki matapos iwaksi sa isipan na nahuli siyang tumitingin sa hita ko.
“Whatever,” tangi kong asik at tsaka linampasan ang lalaki sa pintuan ng aking silid. Sa maikling panahong nakasama ko sila sa loob ng yateng ito ay medyo gumaan na rin ang aking loob sa kanila. Though, hindi pa rin mawawala sa aking diwa na mga kidnappers ko pa rin sila kahit gaano man kabuti ang ipakita nila sa akin.
Tama! Napatunayan kong hindi naman pala linagyan ng lason ang aking pagkain noong nakaraang araw sapagkat humihinga pa ako hanggang ngayon. Besides, palaging may kaakibat na respeto at pagsasaalang-alang ang bawat kilos na ginagawa nila patungkol sa akin kagaya na lamang ng pagbibigay sa akin ng halos dalawampu’t limang pares ng damit na pagpipilian para sa magiging outfit ko.
Nakapagtataka nga lang at talagang naisipan pa nilang magdala ng ganito karaming mga damit pambabae sa kanilang yate. Marahil ay talagang inexpect nila ang pagiging pihikan sa fashion taste ang isasakay nila pabalik sa kanilang kuta. At hindi nga sila nagkamali.
Napatigil ako sa paglalakad at napasingkit ako ng mata nang may maalala akong isang malaking bagay na matagal ng sumasagi sa aking isipan ngunit hindi ko na sinubukang tanungin muli simula noong hindi ito sinagot ni Edmundo sa unang pagkakataong tinanong ko ito.
Humakbang ako paatras upang balikan ang lalaki ng naiwang nakatayo sa pintuan ng aking silid na linabasan ko. Hinawakan ko ang laylayan ng sleeve ng coat nito nang akma itong hahakbang paalis.
“He-hey man…” pagpipigil ko sa akmang pag-alis nito. Siya naman ngayon ang napataas ang kilay sa akin na ini-imitate ang pagtataray ko kanina. Fine!
“Qué? [What?]” pagtatanong nito sa akin. Gumamit man ang lalaki ng banyagang salita sa akin ay naintindihan ko pa rin ang nais nitong iparating sa pamamagitan ng facial expression at voice intonation na nagamit. Nagtatanong ito kung ano ang aking nais o rason kung bakit ko siya pinigil sa pag-alid.
“Just one question man…” panimula ko sa lalaki.
“What?” nakataas kilay pa rin niyang sabi na nakakapagtrigger sa ego ko. ‘Calm down Dalarie masyado kang nagiging sensitive. Huwag mong pairalin ang pride mo kung gusto mong makakuha ng maayos na sagot mula sa lalaking ito.’ Tahimik na pagpapaalala sa akin ng aking isipan na sinang-ayunan naman ng aking sistema. Magbebehave na talaga ako kahit ngayon lang.
“Man can you at least tell me why the hell I am here?” deretso sa mata kong tanong sa lalaki suot ang blanko kong mga titig. Kailan man ay hindi ko pa naiimagine ang aking sarili na nagmamakaawa sa isang tao para lamang sa isang kasagutan.
“Justine is the name by the way. I beg you to stop randomly calling me ‘man’ Señora for my mom had given me a wonderful name to uphold…Justine...as in Just-in-time. I am one call away you needed me” mahabang pagpapakilala ng lalaki sa akin ng kanyang pangalan sabay cross arm bilang paghuling pose sa pahayag niya.
Therefore, I conclude na medyo mapapadali ang pagkuha ko ng impormasiyon sa lalaking ito given the fact na may pagkamadaldal ito at madaling kausapin hindi kagaya ni Edmundo na masyadong professional magsalita at may nalalaman pang ‘…I’m in no position to tell you anything.’
Mas lalo pa namang mas mahirap pasalitain ang ikatlong lalaking kasamahan nila Edmundo at Justine na nagngangalang Diego. Minsan ko na itong narinig na tinawag na Diego noon ng lalaking kaharap ko ngayon kung kaya naman ay ina-assume ko ng ito ang pangalan ng ikatlong lalaki na napakadalang ko lang makita. Pakiwari ko ay ito ang nagpapatakbo ng yatrng kinalulunanan namin ng ilang araw.
“Okay Justine,” pilit kong pagpapaskil ng pekeng ngiti sa aking mga labi na nagpapanggap na nasisiyahan sa napakahabang pagpapaliwanag nito…kahit kung tutuusin ay kanina pa ako nabubugnot.
“I need you ‘just-in-time’ Justine…
“Can you tell me why am I here? Why did you have to take me here in this island all the way from Hawaii? What do you need from me?” sabay-sabay kong bato ng mga tanong gumuguli sa aking isipan. I have to know. Kailangan kong malaman kung bakit ako biglang napadpad sa lugar na ito at a sitwasiyong kinasasadlakan ko ngayon.
Pagkuwa'y biglang pumasok sa aking isipan ang mga bagay-bagay na narinig ko noong unang araw na nagising ako sa yateng ito.
***
“Just as I thought Ser Baristan never taught ‘his daughter' Spanish…
“Castilliàno I thought you’d done something terrible to the ‘don’s girl’…
“My name is Edmundo Castilliaño and I am working for Don Sebastian Portavo…’your fiancé’…
***
Daughter of Ser Baristan…
Don’s girl…
Fiancé…
Bago ko pa man muling maibuka ang aking mga bibig upang dagdagan pa ang aking mga katanungan ay binigyan na ako ng kasagutan ni Justine.
“It’s time to drop your acting skills Señora. You are Maliya Franchette Tremour, the only daughter of the deceased most trusted confidant, Ser Baristan, of the late Mafia boss, Don El Sebastian, who allegedly engaged you to his son and current Mafia Boss, Don Davos Sebastian Portavo…
“You are finally here in Formentera after the long search to fulfill your duty and marry your fiancé,” mahabang pagsasalaysay ni Justine ng lahat. Nanatili lang akong tahimik habang ninanamnam ang nais iparating nito.
Posible bang ang sinasabi niya?