Hindi ko alam kung nakailang minuto na ang lumipas bago pa man mag-sink in sa aking utak ang mga impormasiyon pumasok sa aking mga tenga at dumeretso sa aking isipan.
Huh?! Ano raw?!
Hindi raw ako si Dalarie Cohlshana bagkus ako si Maliya…Maliya…ano nga ba iyon…medyo hindi ko na maalala ang buong detalye ng napakakumplikadong pangalang pilit ipinapasok sa aking sistema bilang tunay ko raw na pangalan at pagkakakilanlan.
Halos gusto kong matawa sa ideyang iyon. Ano bang nais niyang sabihin? Nais ba niyang sabihing isang malaking kasinungalingan ang buo kong pagkatao bilang Dalarie?!...na hindi totoo ang pangalang pilit kong tinatak sa modeling industry ng Pilipinas kasi hindi talaga ako si Dalarie?!
Ridiculous!
Hindi ako makapaniwalang may taong crazy at brave enough para sabihing isang malaking kasinungalingan ang twenty-six of existence ko sa mundo.
At ano pa raw?! May fiancé akong Mafia Boss na nagngangalang Davos Sebastian Portavo?! At pakakasalan ko siya?!
Nababaliw na ba sila! NBSB nga ako. Ano ba?
Nakaramdam ako ng mga kamay na humawak sa aking pulsu-pulsohan upang pigilan ang pagdampi nito sa aking pisngi. Hindi ko pala namamalayan ay nasasampal ko na pala ang aking sarili dahil sa sobrang pagkabigla. Tila ba awtomatikong kumilos ang aking mga palad upang kumpirmahing hindi panaginip ang lahat.
“A bruised face of you Señora is the last thing I wanted to present to the don if I still love my life,” napapakamot batok na ani ni Justine na natatakot magkaroon ng ano mang marka ang aking mukha para hindi makatanggap ng mabigat na parusa mula sa don na pinagsisilbihan nito.
“Estùpido! If only you know how to control your mouth, then we won’t face this kind of problem,” malamig na pakiwari ng lalaking ngayon ko lang narinig magsalita ng mahaba. Walang iba kundi si Diego. Nagpanguso ng labi na lang ng labi si Justine bilang pagtugon.
“Parar [Stop]. There’s no time argue. Let’s escort the Señora to her room and let her rest until nightfall,” pagpapaalala ni Edmundo sa dalawang kasamahan.
Ngayun-ngayon ko lang mapagtantong nandito na pala ang dalawa pang kalalakihan at kasalukuyan nila akong ine-escort-an pababa ng yate.
Tila ba lumipad sa ibang daigdig ang aking isipan at hindi ko na lamang namalayan na nakapasok na pala kami sa isang malaking bahay na kanina ay nakakubli sa mga kakahuyan at halamanan. Nakarating kami sa isang kwarto at awtomatikong hiniga ko sa puting kama ang aking sarili.
Pagod na pagod ang aking katawan sa mahaba-haba naming paglalayag sa malawak na karagatan at gulong-gulo ang aking isipan sa aking mga nalaman.
Naramdaman ko ang pagbigat ng mga talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na itong bumagsak. Nakapikit na ang aking mga mata at hinayaan ko ng lamunin ako ng antok.
Marahil ay isang mahabang tulog ang pinakakailangan ko ngayon…
Mga bandang alas tres ng tanghali ay nagising ako mula sa halos tatlong oras na pagtulog.
Mahina kong kinusot ang aking mga mata upang gisingin ang buo kong diwa. Kagaya ng kinagawian sa yate ay mabilis kong tinignan ang aking katawan para kumpirmahin kung kumpleto pa ang aking mga saplot. Nakadamit pa ba ako o hindi na? Pinagsamantalahan ba ako habang nag-eenjoy ako sa dream land? Kailangan kung kumpirmahin.
Sabihin na nating napapraning na ako pero hindi niyo ako masisi. Kahit sinong tao naman ang malagay sa sitwasiyon ko ay hindi maiiwasang maging super conscious sa mga bagay-bagay.
Linibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto. Ang ganda… Hindi ko maiwasang mamangha at maakit sa disenyo ng kwartong kinalalagyan ko. Sadyang bagay na bagay ang sea shore theme ng mga walls sa tanawing malayang nakadisplay sa napakalaking transparent window na nakaharap sa dalampasigan ng isla. May mga corals at starfishes ang nakaukit sa mga malaputing buhangin na pintura ng mga diding.
Nakakagaan sa pakiramdam rin ang kulay asul na kurtinang nakabitin sa mga gilid-gilid ng kwarto na kumakatawan sa malayang pag-agos ng tubig dagat.
Pagkuwa ay napagpasiyahan kong lisanin ang sea shore inspired kwarto na ito upang idiskubre ang ibang sulok ng bahay na ito.
Malabo yatang makaalis ako sa lugar na ito sa lalong madaling panahon at iwaksi lahat ng mga kwentong pilit nilang pinapasok sa akin partikular na ang pagiging Maliya ko at pagiging fiancée ko ng isang Mafia Boss, kung kaya naman ay kailangan ko ng maayos na plano...plano para tumakas.
Aminado akong isa itong napakahurap na gawain lalo na at isa itong pribadong isla kung saan walang ibang tao kundi kami-kami lang din. Hindi dapat ako magmadali. Kailangang pag-isipan at pagplanuhan ko lahat. At ang unang bagay na dapat kung gawin ay ang mag-conduct ng research. Kailangan kong alamin ang mga pasikut-sikot ng malaking mansiyong ito.
Lumabas na ako sa mahabang pasilyong na hindi ko alam kung saan patungo. Medyo madilim ang paligid dahil sa mga kulay pulang makakapal na kurtina at kulay itim na pintura ng mga pader.
Ganoon din ang kulay ng isang malawak na sala na tumambad sa aking harapan ng makalabas na ako sa mahabang pasilyong pinanggalingan ko. Kulay red ang mga sofa na nakapabilog sa isang kulay itim na lamesa na yari sa fiber glass.
Nagpatuluy-tuloy ako sa paglalakad upang diskubrehin ang bawat sulok ng bahay hanggang sa makarating sa isang napakalaking library na mayroong mga nagtataasan at nagluluwagang mga bookshelves. Halos libu-libu na ata ang kabuuang bilang ng mga libro na nakasalansan sa mga lagayan.
Hindi naman ako ganoon ka-fond o kaaliw sa mga libro ngunit hindi ko napigilan ang aking sariling lumapit rito at bumuklat ng ilang libro lalo na ng mga romance novels sa isang section ng bookshelves. Palagi ko itong nakikita sa binasa ng ilan kong mga classmates noon sa high school at malinaw pa sa aking alaala kung paano sila mag-isang nguminguti na parang timang habang nagbabasa ng ganito.
“A Model’s Secret…
“He Got My First as Collateral…
“Becoming His Woman by Seraphiel,” bahagya akong napahigpit ng hawak sa maikatlong librong nakaagaw ng aking pansin. Para kasing ang ganda sa akin ang dating ng title…parang ang feminist at ang powerful ng storyline ng author.
Binaliktad ko ang libro upang basahin ang blurb ng kwento sa maiksing pagbubuod ng tema.
“Mafia world isn’t something kids should play. It’s Calix biggest mistake to attached himself to someone when he is still young and is unable to protect. He is barely a minor still. As he looks at the innocent girl laying in his arm, he can’t stop thinking of the danger she might get into because of his name. With all his courage as a Mafia heir, he broke up with Herena for good. But the girl he left isn’t pretty for nothing. Throughout the years, she trained and studied hard in order to be strong enough to match his Mafia heir ex lover. She aims to restate her place in his heart four years ago. But this time…not as his girl…but as his woman.”
-[Blurb of Becoming His Woman by Seraphiel]-
Malakas kong binasa ang nakaimprintang passage sa likuran ng libro. Hindi ko maiwasang mapasandal sa pinanghugutan ko ng libro at matiim na mapaisip.
Medyo naguguluhan ako sa part na ‘…she trained and studied hard in order to be strong enough to match his Mafia heir ex lover. She aims to restate her place in his heart four years ago…’
Ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig? Hinahamak nito ang isang taong umiibig na gawin ang lahat para lamang sa taong minamahal?...to be particular ay para sa isang lalaki?
Seryoso ba si Herena na bidang babae sa Becoming His Woman na talagang gagawa siya ng paraan para lamang sa isang lalaki?
Marahil ay hindi ko pa ito maiintindihan sa mga oras na ito gayong never pa akong nakaramdam ng masidhing pagmamahal para sa isang lalaki bilang kasintahan. Gayun pa man ay pangako ko sa aking sariling hinding-hindi ko iyon gagawin. Hinding-hindi ako tutulad sa bidang babae ng librong ito na gagawin ang lahat para lamang sa isang lalaking. Minsan na siyang iniwan.
I will never let a man get the best out of me. I will never let a man control me and do stupid things for his sake.
Iyan ang pangako ko sa aking sarili…
Creeeek!
Mahinang pagtunog ng bookshelf na kinasasandalan ko nang bahagya itong napagalaw paurong.