Mabilis kong inikot ang aking mata upang hanapin ang kinaroroonan ng Prexie tuod na iyan ngunit ni anino niya wala akong makita. Natunugan ata ang plano ko at nagtago-tago na. Napatingin ako sa aking likuran nang may kumalambit sa akin. “Davos?” curious kong tanong sa bigla niyang pagpapapansin. Nginitian niya lamang ako bago iparinig ang nais niya. “If you’re looking for Ms. Castilliano, follow me,” utos nito at tsaka in-offer ang braso niya. Ikinawit ko na lamang ang isa kong kamay sa kanya at hinayaan siyang tangayin ako patungo sa aking hinahanap. At hindi nga ako nagkamali sa paghula ng probable na lugar na paroroonan ng tuod niyang ka-date ngayong gabi. Dito rin sa naturang lugar na linabasan nila kanina ng asawa ko. Hinawi ni Davos ang kurtina sa aming harapan

