Tumingin ako sa malaking orasan na nakalambitin sa may pader upang tignan ang oras. 11:30 AM. Alright. May one hour and thirty minutes pa akong natitira bago magsimula ang nasabing couture event sa may La Tividad Square ata ‘yun? Hindi ako sigurado kung tama ako ng pagkakaalala ngunit aminado akong nabasa ko iyon ng tama. Pinakawalan ko na ang kumot na nakatakip sa aking katawan at hinayaan itong malaglag sa may kama. Wala namang tao rito sa loob kaya malakas ang loob kong maglakad papasok sa may pintuan sa gilid na aminado akong bathroom at hindi nga ako nagkamali. Mabilis kong inikot ang water controller o faucet ng shower splash upang buksan ito. Bumuhos naman sa aking balat ang maligamgam na tubig na tila ba naliligo lang ako sa ulan. Inabot ko ang sabon at sinimulang ihaplos

