“Of course, I do. I always look good in everything I wear,” pambabara ko. ‘Oh ayan ka nnaman Dalarie sa katarayan mo,’ sabat ng utak ko. Whatever. At least I’m confindent about myself. Matapos ang kunti pang-introduction ng MC ay hinayaan na niya kaming bumababa sa stage at maupo sa pinakamalapit na table na nakahanda. Ang yaman nga naman talaga ng Formentera at ng don nito. Hindi ko maiwasang purihin sa aking isipan ang mga authentic Chinese ceramic utensils na nakalatag sa lamesa. Kung hindi ako nagkakamali, nagkakahalaga halos pitong libong piso ang isang set ng regular Chinese Royalty wear na binubuo lamang ng isang Tea po, isang tray, at apat na cups. How much more kapag pangmaramihan na ang bibilhin, di’ba? Napahinto ako sa pag-iisip patungkol sa mga mamahaling baso nang makari

