Dalarie’s POV Justine was indeed one of the people na maasahan mo sa oras ng pangangailangan kagaya ng kanyang tanyag na linyahan. Just-in-Time. Siya na mismo ang nag-ayos ng mga papeless na kakailanganin namin sa paglipad. “We are third in priority for take-off, we should depart in about five minutes,” rinig kong pag-a-announce ng captain pilot sa intercom na maririnig sa bawat sulok ng eroplanong kasalukuyan naming kinasasakyan. Lingay ko na ang aking seat belt at hinanda ang aking sarili sa paglipad. Gayun din ang ginawa ni Justine. Alright, mga limang oras at kalahati lang ay makakabalik na kami sa Formentera. Maipagtatapat ko na rin kay Davos ang lahat bago pa man din ako mahuli. Lately talaga, ibang-iba ang pakiramdam ko na tila ba may kung anong hindi maganda ang ma

